Tuesday 3 June 2014

Kainis na advertising agency!

I received a call from advertising agency the other day. Iniinvite ako na magjoin as a sponsor (Enzo's Shawarma) sa pageant nila. Whenever I receive calls like this, pinapa-email ko na lang sila to me para mabasa ko what the event is all about and kung kaya ba ng powers ko ang rate nila. Chaka sympre maglalabas lang ako ng pera kung alam kong may mapapala ako at ang business ko. E medyo wala for this one. Hindi pala medyo, wala talaga. He called again this morning nagfofollow up. Sabi ko, I read their invite pero sorry for this one I'll pass. Told him na Email na lang nila ko for future events. Medyo nagalit sya. Akala daw nya ok na kami. (Ang drama para kaming magjowa) Sabi daw sa kanya confirmed na magjojoin kami. I asked who told him? He mentioned a name na hindi ko naman kilala. I told him that the first time he called me was the first time na nakausap ko sya. Nagkausap na daw kami few months ago. E di ko nga sya kilala! Chaka lahat ng events and invites ako lang din naman ang nakakareceive and ako din ang kumakausap sa lahat so imposibleng di ko sya maaalala.
Nainis sya sakin, so mas nainis ako sa kanya.Yun lang. K thanks bye!

1 comment:

Popular Posts